lumalamig na ang panahon. dumadalas na ang pagulan. dumadami na ang mga babala para sa mga paparating na bagyo...
maraming masarap gawin sa isang araw na maulan; isang araw na wala kang magawa sa buhay kung hindi manatili sa loob ng bahay. manood ng telebisyon, makinig sa radyo, magbasa ng libro, kumain ng molo...
mahaba ang listahan. hindi mabilang ang mga posibilidad.
ngunit sino nga bang Pilipino ang may panahon pa para gawin ang mga ito? sa panahon ng krisis at paghihirap bilang na ang mga taong pinagpala, mga taong hindi na kailangan pang lumabas sa kanilang mga tirahan at makipagsapalaran sa mundo para kumita ng ikabubuhay.
hunyo nanaman.
umuulan nanaman, at walang kasing haba ang pila ng mga commuter sa may sakayan.
tahimik. walang nagiingay. ang natatanging mga tunog na bumabasag sa katahimikang ito ay ang pagiyak ng isang sanggol, ang busina ng mga di makapaghintay na mga motoritang nasa gitna ng traffic, at ang malakas na pagbuhos ng ulan.
tahimik. walang nagiingay.
walang nagiingay dahil lahat kami ay pagod na. mga nilalang na nagmula sa samo't-saring mga lugar; cubao, katipunan, makati, mandaluyong, manila. mga nilalang na patungo sa samo't-saring mga destinasyon; marikina, antipolo, taytay, binangonan.
hindi gumagalaw ang pila. mahigit tatlumpung minuto na akong naghihintay. mahigit tatlumpung minuto na akong nilalamig. at mahigit tatlumpung minuto na akong nagiisa.
ngunit hindi ako nalulumbay.
kasama ko ang aking sarili; at matagal tagal na rin mula nang kami ay magkausap.
ito ang kagandahan ng pagcocommute ng magisa. sa loob ng ilang sandali maari kang bumalik sa iyong orihinal na sarili. walang pakealam sa mundong pumapalibot sa iyo. walang mga taong pumapansin, walang mga taong kailangang pansinin.
ito ang kagandahan ng pagcocomute ng magisa. nakikita mo ang mundo, at sa ilang sandali, walang pumapanood sa iyo.
hunyo nanaman.
umuulan nanaman.
nagtaas nanaman ang presyo ng petrolyo. nagtaas nanaman ang singil sa pasahe. tatlumpung piso paakyat ng antipolo mula sa sakayan.
ang buhay nga naman pag mahirap. ang buhay nga naman sa totoong mundo...
tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. hindi titigil sa malapit na hinaharap. buhol buhol ang traffic sa kahabaan ng marcos highway. bangaan? baha? may nasiraan ba? walang gumagalaw na sasakyan. walang maaring gumalaw na sasakyan.
at wala ring umiimik sa loob ng FX. maliban sa mga mahinang, "bayad po," walang nagsasalita sa mga pasaherong katabi ko. hindi ko maintindihan ang tugtugin sa radyo. halo ng static, ingay ng ulan, at ng hindi maikakailang ka-jologan ng kanta, hindi ko ito makilala, hindi ko masabayan, ni hindi ko man lang mahuni.
tapos na ang paguusap namin ng aking sarili. nakamusta ko na ang aking pagkatao. hindi pa naman ako nababaliw, hindi pa naman ako nawawala sa landas ng katinuan. walang magawa, sa ilang saglit, ako'y mapapapikit na.
isang ginoong may bitbit na batang babae.
nagmamadali.
wala siyang payong.
nababasa siya. nababasa ang batang kanyang karga.
mabilis na sumakay sa jeepney sa aming harap. nakipagsiksikan, tiniis na maging isa sa mga isdang sardinas sa loob ng isang maliit na lata.
umiiyak ang bata. nagaalburato. sa lamig? sa gutom? sa takot? sa pagod? hindi ko malaman. at hindi rin malaman ng ginoong bumubuhat sa kanya kanina.
mag-ama.
mag-amang di magkasundo, ngayon, nagtatawanan na. karga na muli ng ginoo ang bata.
ah, kaya pala siya umiiyak.
ang yakap ng isang ama.
iyon lang pala.
balik ang atensyon sa loob ng FX. "bayad na ho, malapit na ho tayo sa bayan" sabi ng manong driver na tila malapit nang pumanaw sa kapaguran. "para ho diyan sa tabi manong" ang sagot ko. narito na kami sa aking subdivision.
huminto sa tabi ang FX. inisip ko kung akin bang sasabihin sa mamang driver, "stress kills, manong." ngunit di bale na lang. mukhang malayo pa naman sa bingit ng kamatayan ang mamang iyon.
baba mula sa FX.
umuulan pa rin.
walang payong.
walang jacket.
takbo tawid sa kabilang kalsada. ilang minuto na lang ako'y makakauwi na.
...ang yakap ng isang ama.
...ang pagmamahal ng isang pamilya.
iyon lang naman, di ba?
hunyo nanaman, umuulan nanaman. mahaba ang pila sa sakayan, mataas ang singil sa pasahe, buhol buhol ang traffic sa lahat ng lugar. mahirap man magcommute pauwi, marami ang gumagawa.
hindi dahil masarap ang biyahe, o masaya. hindi dahil sa ito na ang pinakamadaling paraan ng paguwi. hindi dahil sa mahirap maglakad. kung hindi...
dahil walang makapapantay sa ligaya na umuwi sa isang mapagmahal na pamilya.
ang yakap ng mga nagmamahal.
iyon lang naman kasi.
~*~
i've been meaning to write this piece for quite some time now, and for some reason, i just haven't gotten to it. i guess i haven't really had the chance to just sit down and give my full attention to writing a decent piece of lit. or maybe, i've had the chance, i've had the time, i just simply chose to attend to something less important, but at that time, it seemed the only thing that really MEANT something and figured in my world.
its been a while since i've had a "talk" with my self. and now i have the perfect introverted moment.
i'm all alone in the house. well... at least, here in the upper floor. my tito's downstairs, making sure we don't get robbed. SIGH. so this is how it feels to be alone, but not quite ever so lonely.
i've been too caught up in so many things. so many relationships, so many irrelevant details and facts and tidbits and stupidities. too caught up. i've overlooked so many simple wonders. the joy of thinking without having to voice out what it is you're thinking about. the freedom to do whatever it is that you wish to, without thought whatsoever as to how you'll look like or seem. the privilege to say what's in your heart, though no one's listening, though no one's there. being a fool in everyone's eyes. everybody else except yourself.
loneliness hovers, and threatens to take over. i push it away gently. not yet, please. not now, at least. let this moment be, for once, mine to cherish.
~*~
a few seconds after re-reading what i've written down...
me: well, have i ever seemed more moronic? ...sadly, i don't think so.
definitely no longer searching for utopia, an ergaslophobic student and aspiring thespian, a true blue Filipina and Assumptionist, existing in a state of utter discombobulation, *BROKE*, and fattening myself up in time for the next human sacrifice ritual in tondo, manila...
Stars and Nebulas
aLi
bea
cathy
caMs
[[twinstaR]]
[[fRienD]]
kaTrina
gaDDi
iSSa
jOnesie
[[myky]]
[[nica]]
pam
[[stephie]]
synty
[[tasia]]
trizza
wissa
Flight
Alanis Morissette
Carbon Stereoxide Studio Notes
Cold Play
Dashboard Confessional
Eternal Sunshine of the Spotless Mind
Haruki Murakami
Milk&Cereal
Miss Saigon
Paulo Coelho
Rent - the Musicale
Shawn Mullins
System of a Down
The Simpsons
The Sims
The Used
::Credits::
Image By:
|j3concepts|
Layout By:
|Niknoi|
||December 2004
|January 2005
|February 2005
|March 2005
|April 2005
|May 2005
|June 2005
==:::A Few Friendly Reminders from your Resident Sane Psycho:::==
life is an unequivocally fast paced string of events, where the essence of a lifetime can be captured in a single breath, love can develop in a second, and where a long journey can feel like just another ride in the metro rail...
so put on your pink tinted glasses, wear your cheesiest smile. life's too short and much too precious to waste with the frivolities of a shallow existence.
let's limbo!
change is the only constant thing in life.
though it is most difficult to cope with change, we must.
it is survival. it is evolution.
but then again,
what if this change is brought about by paranormal sensations and emotions, unforeseen circumstances, hormonal imbalances, and... the weather?
what if this change is caused by things that are not things. forces that are immaterial?
how do we cope?
how do we end the relentless and crazed see-saw of intense emotions churning deep within us?
how do we stop misery?
how do we prolong happiness?
with a four millimeter bullet?
with a cup of peppermint-tasting cyanide?
with prayer?
i don't know.
i can't even begin to pretend to know, or to comprehend.
and i'm sure,
neither can you.
and it scares me.
it scares us.
that this we cannot understand.
everything else --science, mathematics, ratios, proportions, wars, peace talks, chocolate sprinkles and gum drops, ponies and rabbits, Nobel awards-- we know.
but this,
this simple shift of light and darkness,
this slight distinction,
this sudden rearranging of matter, molecules, and sensations.
this indescribable phenomena.
this we cannot even begin to grasp.
illogical, senseless, strange, odd.
fleeting, momentous, gargantuan, colossal.
what is the meaning behind this change in mood? in feeling?
what is the real root? the common cause?
perhaps we have been doomed to be this way.
to not understand.
to be left in the dark.
doomed to be able to adapt with everything else but this simple swing.
this simplistic issue.
never to find a way to evolve around it.
but perhaps.... in this case,
evolution is not survival.
for if you can just grin and bear it.
take it for what it is.
let go of the logic behind it.
perhaps then, survival is possible.
change is not imperative.
accepting is a prerogative, the answer, the key.